Posted in Uncategorized

From Luho to Luha

Aking Irog,

pangalan mo’y kay ganda,

mga ngiti mo’y kay tamis,

mga tingin mong kabigha-bighani.

 

Aking Binibini,

ikaw lang ang isinasambit,

ikaw lang ang pinakatatangi-tangi,

ikaw lang ang hinahanap-hanap,

ikaw lang at wala nang iba.

 

Aking Prinsesa,

hindi man ako kasinkisig ni Derek Ramsey,

hindi man ako tinitilian tulad ni Dingdong Dantes,

hindi man ako kasintalino’t tuso ni Allan de Guzman,

paglubog ng araw,

ako’t ako pa rin magpapangiti sa iyo.

 

Aking Sinta,

hindi man ako ang may-ari ng Forever 21,

hindi man ako ang may-ari ng Payless,

isa lang ang ipinapangako ko sa iyo,

ikaw pa rin ang may-ari ng puso ko.

 

Aking Lianne,

hindi bale na’t tayo’y magkasakitan paminsan-minsan.

Hindi bale na’t tayo’y hindi magkaintindihan paminsan-minsan,

dahil ikaw pa rin ang aking tanging yaman,

at pag-ibig na walang hanggan.

 

I miss you!  

Posted in Uncategorized

Ikaw na! Da Best ka!

Uy, ber month na! Iilang buwan nalang, Pasko na! Panahon na naman ng mga reunion ng kamag-anak, kaeskwela, kaibigan, sangkatutak na tsibugan at inuman, bidyoke, bigayan at palitan ng mga regalo at kapatawaran. Kaya pala ang daming nagaganap na krimen, para meron silang handaan pagdating ng Noche Buena. Malapit na rin pala ang Nursing Board Exam. Kailan nga ba? Sa Disyembre rin ba? Nakapag-review na ba kayo? Saan ba kayo nag-enroll?

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Naalala ko, tuwing papasok sa USTe, andami kong nakikitang naglalakihang billboard ng mga review center. Simula Welcome Rotonda hanggang FEU, makikita mo na yung Carl Balita, R.A. Gapuz, Sultan Review Group, The Royal Pentagon Review Specialists Inc., St. Louis at marami pang iba. Lahat ng ‘yun, kundi No.1  ang nakalagay, pagandahan naman sila ng mga tagline. Meron “BIGGER. BOLDER. BETTER THAN EVER.”, “WHERE THE DREAM AND THE DREAMER BECOME ONE!“, “Always Committed to Excellence” at “Surround yourself with great people for they will dictate your destiny.” Pagkatapos, makikita mo din ang mga topnotchers kaakibat ang kanilang rating. Ang galing ‘no? Kung Nursing lang pala ang kinuha ko, sana nakita ko rin ang sarili ko sa mga billboard. Pero ang isang pinagtataka ko talaga, e ano ba talaga ang pinakamagaling? Sa dinamidami ba naman, hindi ka ba malilito?

 

Sa totoo lang, tumutulong lang ang mga review centers para maipasa natin ang Board Exams. Nandiyan yung pagtuturo ng disiplina sa pag-aaral, ‘refreshers’, pamimigay ng mga iba pang review materials at mga technique o tips. Hindi porket enrolled sa isang review center, dedepende na doon. Na sa iyo pa rin kung papaano mo maipapasa ang Board Exams. Kung determinadong maipasa,maglaan ng oras para mag-aral at wag papetiks-petiks. Kahit hindi enrolled sa isang review center, naniniwala akong maipapasa mo ‘yan basta magtiwala sa sarili. Kung hindi naipasa, ‘wag panghinaan ng loob at mag-isip ng kung anu-anong negatibo. Huwag maniwala sa sinabi ni Kuya Kim na “Ang buhay ay weather weather lang.”, bagkus, “Ang buhay ay hindi basta weather-weather lang. Ito ay pinaghahandaan“.

 

Kamakailan lang, sa pangunguna ng Piston, nakiisa ang mga drayber, transportation groups at mga student oraganizations upang mag-rally at magprotesta hinggil sa nakakalokong Oil Price Hike. Ang iba ay namigay ng mga flyers ukol sa nasabing sabwatan ng tatlong malalaking kumpanya ng langis. Ang iba naman ay nagsagawa ng noise barrage at planking. Ayon sa mga report, walang gaano o hindi talaga naramdaman ang sinasabing perjuicio noong araw na iyon.

 

Matapos ang rally at protesta, naipasa agad ang Anti-Planking Act of 2011 (bit.ly/pimanI) na isinumite ni Quezon City Rep. Winnie Castelo. Naglalayon ito para sa mga estudyante na bawal na ang planking tuwing magdadaos ng rally o protesta. Ambigat! Ang bilis ‘no? Samantalang yung nangyaring budget cut para sa edukayon, walang naging aksyon. Ginamit pa ang kabataan para matigil ang pagsasagawa ng protesta. Alam na nga ng taumbayan na magsasagawa ng transport strike, hindi pa nila ginawang handa ang kanilang mga sarili, ang dami pang reklamo. Alam na nga ng mga kinauukulan, gumawa pa ng walang kakwenta-kwentang batas. Para saan pa ang rally kung ganito lang ang mangyayari?

 

 

Sayang na naman ang kaban ng bayan!

Sayang na naman ang mga boto!

Sayang na sayang ka, Winnie Castelo!

Sinayang mo ang kabataan na pag-asa ng bayan!